Koronasyong kanonika

Ang koronasyong kanonika o koronasyong pampuntipika (Latin: coronatio canonica) ay isang banal na institusyonal na pagkilos ng Santo Papa, marapat na ipinahayag sa pamamagitan ng Bulang Pampapa, kung saan ipinagkalooban niya ng mala-adornong korona, diyadema o sinag sa ulo sa isang imaheng Mariana, Kristolohikal, o Hosepiyano[1][2][3][4]

Ang pormal na paggawa ay isinasagawa nang pangkalahatan ng isang kumakatawan kahalili ng Santo Papa, isang Legadong pampapa, o sa pambihirang okasyon ng Pontipiko mismo, sa pamamagitan ng malaseremonyang pagputong ng isang korona, tiyara, o malatalang sinag sa ulo sa pinipintuhong imahen o rebulto.[5]

Dati, ang Banal na Tanggapan ay naglalabas ng pahintulot ng koronasyong kanonika sa pamamagitan ng dikasteryo, na tinatawag na "Balangay na Batikana". Kasunod hanggang 1989 ang Sagradong Konggregasyon ng mga Rito ay inatasan ang tungkulin nito. Simula noon, ang Konggregasyon para sa Banal na Pagsamba at Disiplina ng mga Sakramento ay nagsasaayos upang maisagawa ang malaseremonyang pagsasagawa kung saan pinapahintulutan ng dikreto.

  1. "Mensaje con motivo del 50 aniversario de la coronación de la imagen de la Virgen del Camino (19 de octubre de 1980) - Juan Pablo II". w2.vatican.va.
  2. "Radiomensaje a los fieles mexicanos con ocasión del 50 aniversario de la coronación canónica de la Virgen de Guadalupe (12 de octubre de 1945) - PIUS XII". w2.vatican.va.
  3. "ENSIKLOPEDIYANG KATOLIKO: Mga Bula at Mga Buod". Newadvent.org. 1 Nobyembre 1908. Nakuha noong 6 Abril 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Canonical Coronation of La Virgen de la Esperanza Macarena | Hermandad de la Macarena". Hermandaddelamacarena.es. Nakuha noong 6 Abril 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Address to members of the Vatican Chapter". Vatican.va. Nakuha noong 6 Abril 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search